Saturday, October 3, 2009

Trabaho Lang Po!

Hayan na papalapit na naman siya
Ang aking among mapagsamantala
Siguradong hanap-hanap na naman niya
Ang kasiyahang hatid ko sa kanya

Ang aking katawa’y kanyang hinawakan
Niyakap-yakap at hinagkan-hagkan
Tapos ay sinimulan niya akong paglaruan
Na puno ng galak at kasiyahan

Hawak-hawak niya ang maselan kong bahagi
Pinaglalaruan niya’t kinikiliti
Sa bawat kalabit ng kanyang daliri
Iba-iba ang tono ang aking tili

Pagkatapos niya akon pagsamantalahan
Bigla na lang niya akong iiwan
Ikukulong sa isang maliit na kuwarto
Maghihintay sa muling pagbalik ng aking amo

Ngunit ano ang aking magagawa
Kung ito naman ang sa aki’y naitakda
Ang magbigay ng tuwa’t saya
Dahil ito ang trabaho ng isang gitara…

1 comment:

  1. hahahah!

    ang akala ko ay ano
    dahil di ko pa naklaro
    ang daming naglalaro
    sa isip kong mapagbiro

    pero nung matapos kong basahin
    halakhak aking narating
    di makapaniwala...
    sa may akdang sobrang galing.

    clap, clap, clap!

    ReplyDelete