Saturday, October 3, 2009

KILABOT

Sa kalagitnaan ng pagtulog nang mahimbing
Ika’y biglang magigising
Namumutla’t nanginginig
Kinikilabutan sa lamig
Pinapagpapawisan ng malagkit
At namimilipit sa sakit
Hindi ka makatayo
Kinakabahan ang buong pagkatao
Natatakot kang kumilos
Baka bigla na lang umagos
O kaya nam’y lumabas
Nang wala sa oras
Ang nilalalman ng tiyan
Sa inidoro lang nakalaan…

1 comment: